Hunting grounds on Luneta Grandstand, Rizal Park Manila TAMBAY NA! -admin EmilyL... - Việc làm kế toán

Hunting grounds on Luneta Grandstand, Rizal Park Manila TAMBAY NA! -admin EmilyL…

Hunting grounds on Luneta Grandstand, Rizal Park Manila TAMBAY NA! -admin EmilyL…

31 August, 2016

pkg

Hunting grounds on Luneta Grandstand, Rizal Park Manila
TAMBAY NA!
-admin Emily


Luneta (Rizal Park) Hunting Spots UPDATED
(Personal Experience)

By: Rogine De Mata Rogelio (Freelance photographer sa umaga, pokemon trainer sa gabi)

Sa 3 linggong pagiging abangers at pagiging instant runner, eto yung maibibigay kong tip sa mga nangangapa pa sa dilim at umaasa sa biyaya ng lure at sabi sabi.

BROWN AREA – bihirang may lumabas diyan pero pag may lumalabas asahan mo pang ubusan ng pokeballs, Charizard and Aerodactyl yung naspotan kong legit dyan na lumabas sa sightings ko pero di ko naabutan. Sabi nila nest daw yan pero wag ganun., niantic ka pala eh.

WHITE AREA – Dito nagsimula ang sibilisasyon ng pokemon go players sa Rizal Park, kung gusto mo palevel na malapit ang access sa jeep at bus eh dyan ka na tumambay, magsawa ka sa rattata, pidgey, venonat, weedle, caterpie etc. Eeveee lang at magicarp yung medyp hindi mo isusuka dyan. Dyan ko din nakuha Snorlax ko, pero once on a bluemoon talaga maglaglag dyan ng maganda. Palevel na walang tayuan, tambay ka lang dyan.

YELLOW AREA – Etong area na to, Balwarte to ni Electabuzz ngayon, ewan ko kung karelyebo niya o nasisante si Scyther kasi yan ang dati niyang trono.

RED AREA – Etong spot na to, unpredictable to sa drop pag naglure kayo dito, masusurpresa ka na lang sa mga bigayan dito, bibiglain ka ng mga 2 minutes,4 minutes apperance time ng Blastoise,Snorlax, Charizard, Snorlax, Dragonite, Pikachu , Magmar etc. The best tong spot na to kasi kung may lalabas sa blue area,gray area at yellow area eh nasa gitna ka lang talaga. Dala lang ng payong kasi pag umuulan dito wala ka sisilungan, maglulure talaga ng amoy yang paa mo. Madalas dito funrun ng mga pokemon go hunters

GRAY SPOT – Notorious din to sa bigayan, paligid ng Manila hotel pero madalas sa may harap niya, Charmander, Pikachu , Kabuto, etc, mga average pokemon pero minsan may nambibigla din, iready ang paa sa takbuhan din.

BLUE SPOT – the best spot to, lahat ng water type yata nagpapakita dito, pero minsan binibisita nila pidgey at rattata pero tolerable naman at di sila palagiang lumilitaw, parang seaside din sa moa ang bigayan dito, meron dito blastoise,dragonite,dratini tambayan, ponyta, rapidash, lapras na nakuha ko ng madaling araw, Charizard, Snorlax etc.

BLACK DOTS – base on experience, dyan minsang nagpapakita sila pikachu,charmander,snorlax,scyther, omanyte pero bihira yan.

Etong tips na to magbabago yan at walang definite time, kaya kailangan mo lang talaga maghintau at makinig kinig sa mga ibang players tapos sumunod ka na lang.

Ingat sa mga dumadaan ng Burgos pag gabi, baka ma-elsa kayo ni Gloc-9 diyan, tago na Cellphone mo pag dumaan sa area na yan sa gabi.

May mga part na off limits kaya matuto tayong mag let go, magdala ng maraming pokeballs pag tatambay para enjoy ang pag aabang, mag2 rounds ka lang sa luneta puno ka na ng pokeballs pag tambay mo. At kung papayagan kayo sa mga off limits na area ? Wag kayong maingay para payagan kayo sa susunod. Wag kayong bida bida sa kapwa players, madami kasi ditong kingler minsan, makakita ng malakas sasabihan nagcheat, makakita ng mahina,magyayabang ng mga pokemon niya.

Pero sa totoo lang, dadami kaibigan mo dito, tipong di mo alam name minsan pero may mutual understanding kayo ng dahil sa laro. Mas okay yan diba kesa may naiinis sayo, pag strong ka na, gabayan mo yung mga mahihina pa pag nagtatanong, pag low level ka pa wag matakot makipag usap.

Opening and closing:

12 MIDNIGHT nagsasara ang buong luneta,yang sa blue area 10 pm pa lang close na yan pero abot pa din naman yung mga lure sa may kalabaw monument, 5am nagbubukas.

7 or 8 pm sarado na facility ng ocean park maliban kung tumutuloy ka sa hotel nila, tatambay ka na lang dun sa may hagdanan, dont worry abot pa din ang mga lure maliban dun sa dalawang nasa loob na minsan di maaabot ng gps mo. 9am or 10am yata bukas na ulit at pwd tumambay sa loob ng walang bayad.

Sana dito ko makita ang pukechu ko, goodluck mga adik at please iwasan mag cheat, play fair , magbawas ng calories. Again happy playing.

#PokemonGo #RizalParkHunting

Gửi lại bình luận